Copyright ©2026 Yes FM
Former PBA player, inaresto matapos manghalik ng babae sa bar?
Former PBA player, inaresto matapos manghalik ng babae sa bar?
Former PBA player, inaresto matapos manghalik ng babae sa bar?
March 31, 2026

Naging totoo ang kasabihang "bilog ang bola!" Dahil ngayon, tila ibang court ang mapapasok ng dating PBA player na si Mark Reynan Cardona.

Inaresto ang manlalaro matapos umanong hilahin at halikan ang isang 22-anyos na babae sa isang bar sa BGC.

advertisement

Ayon sa mga kwento, nangyari ang insidente sa smoking area ng bar. Nagsumbong daw ang babae sa jowa niya at agad nitong kinompronta si Mark.

Agad naman daw nakipag-ugnayan sa police ang bouncer sa bar.

Sinubukan pa raw ni Mark na makipag-areglo, pero tumanggi ang jowa ng babae.

Ngayon, nasa kustodiya pa ng police ang dating PBA player at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness at Physical Injuries.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...