Copyright ©2026 Yes FM
Freddie Aguilar, inalala ng fans at OPM icons matapos pumanaw dahil sa multiple organ failure
Freddie Aguilar, inalala ng fans at OPM icons matapos pumanaw dahil sa multiple organ failure
May 28, 2025

Hindi kahit kailan natabunan ng panahon at nagkaroon pa ng ilang version ang kantang 'Anak' ni Freddie Aguilar at nitong May 26, namaalam na ang hitmaker. Sa Philippine Heart Center namatay si Ka-Freddie dahil sa multiple organ failure.

Bago ito, ilang update pa ang ibinahagi ng kaniyang asawa na si Jovie Aguilar sa kaniyang TikTok account tungkol sa kalagayan ng OPM icon.

@asadelaaguilar Replying to @M G Mercado Elecierto ♬ original sound - Asadela Aguilarrr
advertisement

"Ang priority natin ngayon ay ang kalagayan ni Freddie, pasensya na kayo na wala akong mabigay na detailed info sa inyo kasi pangpamilya at malalapit na kaibigan lang muna ito," sabi ni Jovie.

Bumuhos naman ang pag-alala kay Ka-Freddie ng iba pang OPM artists sa social media. Pinasalamatan ni Jim Paredes ang batikang mang-aawit para sa mga awiting iniwan nito.

Ilang paboritong performances naman ni Ka-Freddie ang ibinabahagi ngayon ng kaniyang fans.

May 27 nang ilibing agad si Ka-Freddie alinsunod sa paniniwala ng mga Muslim.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...