Copyright ©2026 Yes FM
Ganda Wanda, may pinatatamaan nga ba sa ‘Upuan’ ni Gloc-9?
Ganda Wanda, may pinatatamaan nga ba sa ‘Upuan’ ni Gloc-9?
September 2, 2025

Kung may kanta raw na swak na swak para sa nararamdaman ng maraming Pilipino ngayon, walang iba kundi ang “Upuan” nina Gloc-9 at Jeazell Grutas. Dati, naaaliw lang tayo sa tono at galing ng pagkakakanta, pero ngayon, mas naiintindihan na natin ang mensahe nito.

Na-release ‘to noon pang 2009, pero bigla na namang naging LSS ng marami—pati na rin ni Ganda Wanda! Mukhang may malalim na hugot ang ating Singing Diva. Saan ka naman kasi nakakita ng ipinanganak na mukhang Disney Princess, pero napilitang magpaka-peasant sa rami ng bayarin?! Ramdam ka namin, Ganda Wanda. EME!

@yesfmmanila Naintindihan niyo na ba ang ibig sabihin ng ‘Upuan’ ni @glocdash9? 👀#yesfm #gandawanda #upuan #gloc9 #fyp ♬ original sound - Yes FM Manila

Isipin mo, nagpapakapagod kang magtrabaho kahit may bagyo tapos ‘yung pinaghirapan mo, mapupunta lang sa pagpapasarap ng mga... HUUUY! Ano raw?! Marami tuloy mga YesPren ang napalabas ng sama ng loob sa comment section, pero napansin din nila ang angking galing ng ating Singing Diva.

Sa sobrang gigil nga ni Ganda Wanda, hindi na siya kumuha ng ka-duet. Siya na mismo ang nag-ala Gloc-9 at Jeazell Grutas. Ngayong mas dama na natin ang ibig sabihin ng kantang ito, sana naman ay matauhan na rin ang mga dapat matauhan, ‘di ba?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...