Copyright ©2026 Yes FM
Ganda Wanda, pasabog ang performance sa ‘KOLab 2025’ sa Market! Market!
Ganda Wanda, pasabog ang performance sa ‘KOLab 2025’ sa Market! Market!
October 13, 2025

Nitong nakaraang October 11, 2025, pinasaya ni Ganda Wanda ang crowd ng Market! Market! sa isang live performance kasama si Kirby Bas ng Blogapalooza! Bilang parte ng ‘KOLab: The Grand Content Creator and Fan Meeting,’ sabay nilang pinakilig ang mga manonood sa kanilang rendition ng ‘Shut Up And Dance’ ng Walk The Moon. Todo-birit ang dalawa na para bang mini concert ang atake!

advertisement

Biro nga ng mga YesPren natin online, natumbok mo na raw ang rurok ng tagumpay kapag nakapag-event ka na sa Market! Market! Taguig. Kaya naman, congratulations na agad kay Ganda Wanda dahil “she made it!”

Siyempre, bukod sa performance, nakasama rin ni Ganda Wanda ang iba pang DJs para maghatid ng saya sa KOLab 2025. Nagkaroon ng “Game Time with 101.1 Yes! FM” kung saan nagpamigay tayo ng limited edition merch. Mayroon ding DJ booth na p’wedeng gamitin ng YesPren natin para ma-experience kung paano nga ba maging isang ganap na YesPren DJ!

Kung ‘di mo naabutan ang solid na event na ito, abangan mo na ang susunod pang mga event namin, YesPren!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...