advertisement
Kasama rin sa bagong batch ang mga personalidad na sina Winwyn Marquez, Mikee Quintos, Robbie Jaworski, Cianne Dominguez, Anthony Constantino at Raheel Bhyria, kasama ang iba pang housemates na may kani-kaniyang kuwento at personalidad.
Pero teka lang, YesPren! Hindi lang si Gehlee ang pinag-uusapan ngayon dahil pati ang pagpili ng housemates, may tanong ang netizens!
Marami talagang ordinaryong Pinoy ang nag-audition para magkaroon ng chance na makapasok sa Bahay ni Kuya. AMININ MO, ikaw din, YesPren, ay nangarap makapasok sa loob ng Bahay ni Kuya?!
Kaya naman marami ang umasa na mas maraming fresh faces at hindi pa kilalang mga tao ang makakasama sa bagong season.
Imagine, YesPren? Ang daming nag-audition, nag-effort at naghintay ng pagkakataon, tapos parang ang hirap makapasok? MAY PA-VIP LANE BA SA BAHAY NI KUYA?! HAHAHA! Charot!
Taas ang kamay ng mga excited at nag-aabang sa mga ganap ni Gehlee Dangca! Ito na ang chance na mas makilala natin siya beyond her K-pop idol image! Ready ka na ba, YesPren?!
Gehlee Dangca, isa sa mga housemate ng PBB Collab Edition 3.0!
Dating UNIS member na si Gehlee Dangca, isa sa mga bagong housemate ng “Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0!”
Excited ang netizens sa mga magiging ganap ni Gehlee sa loob ng Bahay ni Kuya! Ikaw ba naman, dating member ng K-pop girl group na UNIS! Mula sa international stage, ngayon naman ay 24/7 cameras ang kanyang haharapin. Hugas-hugas daw muna ng plato sa loob ng Bahay ni Kuya! CHAR! HAHAHA!
