advertisement
Noong bumisita ang dating housemate na si Shuvee Etrata, in-open ng girl housemates kung ga'no sila ka-uncomfortable sa "green jokes" na ginagawa ng mga lalaki, dahilan na rin para pansamantala silang paghiwalayin ni Kuya. Mapapanood din kung paano lubos na naapektuhan si Carmelle Collado nang maramdaman niyang siya ang tinutukoy ng mga lalaki.
"GYAT" na ang ibig sabihin daw para sa boys ay "Girl, your as* thick" ang term na narinig ni Carmelle sa boys. Chismis ni Miguel, galing daw kay Lee Victor ang term na ito.
"Ang gusto namin dito, is for you guys to not objectify us. Even if it's funny in your head, it's really not right,” sabi ni Krystal.
Humingi naman ng pasensya ang mga lalaking housemate, pero bilang pagdidisiplina, hindi muna puwedeng magkita ang mga lalaki at babae sa loob ng bahay.
Girl at boy housemates ng Pinoy Big Brother, pinaghiwalay muna dahil sa isang nakakabastos na biro?!
Sa rami ng cameras at palaging pagpapaalala na magsuot ng lapel ang housemates sa Pinoy Big Brother house, imposibleng may makakatakas na kaganapan! Tampulan lang naman ngayon ng iba't ibang komento ang isang "inappropriate term" na ginawa ng mga lalaki para sa mga babae.
