Copyright ©2026 Yes FM
Gracenote, matamlay na ba mag-perform matapos malagasan ng miyembro?
Gracenote, matamlay na ba mag-perform matapos malagasan ng miyembro?
February 1, 2026

Sa HANGOVER episode ng Gracenote, hindi nila inatrasan ang ilang matatapang na komento mula sa fans at kabilang na ang napansin nila ang pagbawas ng kanilang energy sa stage mula nang umalis ang ilang original members.

Para sa Gracenot, hindi naman daw ito naging kawalan. Ayon sa kanila, ang chemistry na meron sila ngayon ay hindi niya ipagpapalit sa kahit ano. Bagaman kitang-kita sa stage na mas kakaunti na sila, naniniwala ang banda na mas naging solid ang kanilang bond at mas tutok sila sa direksyon ng kanilang musika.

advertisement

Aminado ang grupo na hindi nila kontrolado ang opinyon ng mga tila naiwan pa sa nakaraan, pero giit nila, bahagi ng paglago ng isang artist ang pagbabago. Sa huli, inimbitahan nila ang mga kritiko na manood ng kanilang live gigs para personal na maranasan ang tunay nilang energy bilang Gracenote. Para sa kanila, basta’t nandoon ang passion, WALANG MAKAKAPIGIL!

Mas matapang pa ang Gracenote sa Pabebe ghorls! Wala talagang makakapigil sa kagustuhan nilang pasayahin pa lalo ang kanilang tunay na mga tagasuporta! Kaya panoorin niyo na ang buong HANGOVER interview nila rito:

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...