Gumawa ng ingay ang video ni BINI Maloi kung saan hawak niya ang latest merchandise ng kaniyang grupo na isang tote bag. Ayon sa netizens, wala raw kadating-dating at mukhang mumurahin ang merch na ito.
@bini_maloi Introducing my newest ukay-ukay buddy... the BINI tote bag! Stand out ang outfit niyo sa tote bag na ‘to! Spacious and sturdy, panghakot ng iba pang Grand BINIverse Official Tour Merch. Get yours and be BINIfied 🌸 #grandbiniverse #octobestwithbini #fyp #bini ♬ Cherry On Top - BINI
Nagkakahalaga ng 199 pesos ang nasabing bag na mabibili online. Mayroon itong blue strap na inspired sa logo ng BINI. Chika ni Maloi, ang bag na ito ay “huge, functional, sturdy, at pangporma.”
advertisement
Tila hindi naman sang-ayon ang mga tao rito. Para sa ilan, nakakadismaya raw at parang recycled mula sa murang materyales ang bag.
Naka-turn off naman ang comment section ng TikTok video ni Maloi. Wala pang official statement ang BINI at ang Star Magic hinggil sa pagpuna sa nasabing bag.

