advertisement
Sa isang video na kumakalat online, sinabi ni Heart:“No matter how successful you are, matuto kang lumingon kung saan ka nanggaling, maging humble ka, ipako mo ’yung dalawang mong paa sa lupa. Wala akong pakialam kung viral ka ngayon; ang bilis ng ikot ng mundo. Huwag masyadong maging malaki ang ulo, maging mabait ka sa lahat ng tao.”
Dagdag pa niya, mahalaga rin umanong tandaan kung sino ang mga taong naging bahagi ng journey bago pa man makamit ang tagumpay. Siyempre, hindi nagpahuli ang mga marites! Agad tuloy napaisip ang netizens kung may specific na taong tinutukoy si Heart. May mga napa-“Sino ba kasi, Heart? Sabihin mo na!” habang ang iba naman, may kanya-kanyang hula kung sino ang posibleng pinapatamaan. May ilang netizens na iniuugnay ito sa content creator na si Mimiyuuuh, lalo na’t naging usap-usapan kamakailan ang “clean money” remark nito tungkol kay Anne Curtis. Sa isang vlog nina Mimiyuuuh at Esnyr, napunta ang usapan sa mga celebrity na kanilang iniidolo. Pareho nilang pinuri si Anne Curtis bilang isa sa mga mababait at down-to-earth na personalidad sa showbiz. Sinabi rin ni Mimiyuuuh:
“We love you, Ms. Anne. We only love Anne in this household, kasi siya talaga ang clean-money girl.” Wala namang binanggit na pangalan ni Heart sa nasabing vlog. Dahil dito, hindi maiwasang mag-connect the dots ng netizens! Matapos ang “clean money” remark ni Mimiyuuuh, ito ay pinatulan ng longtime assistant ni Heart na si Resty Rosell, at mas naging interesting ang usapan nang mapansin ding hindi na umano nagfa-follow sa isa’t isa sa Instagram sina Heart at Mimiyuuuh. Si Mimiyuuuh nga ba ang pinapatamaan, o coincidence lang talaga? Sa ngayon, wala namang direktang binanggit si Heart na pangalan sa kanyang mensahe. Kaya gaya ng madalas sabihin sa showbiz, bato-bato sa langit, ang tamaan… aba, baka may gustong umamin?!

