Copyright ©2026 Yes FM
Hidilyn Diaz, hindi natatanggap ang pangakong lifetime supply ng langis?
Hidilyn Diaz, hindi natatanggap ang pangakong lifetime supply ng langis?
March 11, 2026

Alam naming kasalanan ang mainggit, pero puwede bang manghingi ng exemption kung ang dahilan naman ay lifetime free fuel? HAHAHA!

Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis, biglang naalala ng mga tao ang regalong natanggap ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz. Kasama kasi sa mga nakuha niya pagkatapos manalo sa Tokyo Olympics noong 2020 ay ang libreng langis mula sa Phoenix Petroleum.

advertisement

Sa post ng isang content creator, tinawag niyang "pinakamaswerteng tao ngayon" ang weightlifter. Marami naman ang napasabi ng "sana all" dahil dito.

Nabawi agad ang inggit na nararamdaman ng netizens nang mabasa ang post ng manager ni Hidilyn. Chika niya, "drawing naman po ang lifetime." Marami ang naloka sa balitang ito ni Manager.

Wala pang say ang lahat ng kampo kaya litong-lito pa rin ang lahat sa nararamdaman nila. HAHAHA!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...