advertisement
Ibinahagi nila ang balitang ito sa isang Facebook post na laman ang kanilang album cover. Agad namang umulan ng komento mula sa fans. Marami ang natuwa, at may mga nagbiro pa na natagpuan na ni Badjao ang bisikleta niya.
Si Kris Cazin ang direktor ng ‘Nanaman’ music video, at mapapanood niyo na ang solid na MV na ito sa YouTube channel ng IVOS.
IV of Spades sinorpresa muli ang fans sa panibagong single, ‘Nanaman’
Over naman sa surprise? Charing! Ayaw talaga magpaawat ng IV of Spades sa pasabog nila dahil ilang linggo lang matapos nilang ilabas ang comeback single nilang ‘Aura,’ heto na at nag-release muli sila ng panibagong single na pinamagatang ‘Nanaman.’
