advertisement
Bukod dito, nakuha rin ni Ivana ang Best Public Service Show. Sa kanyang acceptance speech, sinabi niyang gusto niyang patuloy na gumawa ng content na nagbibigay ng good vibes at nakakatulong sa kapwa.
Matapos ianunsyo ang winners, umani ito ng reaksyon mula sa netizens. Marami ang natuwa para kina Ivana at Kara, pero may ilan ding nagsabing mas deserve umano ni Kara ang award dahil sa matagal na niyang serbisyo at dedikasyon sa paggawa ng mga dokumentaryo.
May isang netizen na nagsabi:"Idol ko si Ivana for helping others, pero sana si Ms. Kara na lang yung nabigyan ng award. ‘Yung dedication niya sa trabaho, di matatawaran. Years of doing that are incomparable. Congrats pa rin, Ivana." Isa pa ang nagkomento:
"I'm not against kay Ivana, saludo ako sa pagtulong niya sa mga mahihirap. Pero mas deserve ni Ma'am Kara yung award. We know her legacy and field. Inaaral niya talaga lahat bago ilabas yung mga documentary niya." Sa kabila ng magkakaibang opinyon, parehong ipinahayag nina Ivana at Kara na ipagpapatuloy nila ang paggawa ng content at mga programang makakatulong at magbibigay ng inspirasyon sa mga Pilipino.

