advertisement
Chika pa ng dating Starstruck season 1 contestant, sumunod lang si Izzy sa utos ni Lord, "Sabi ng Lord kay Izzy, 'Come, follow me. I will make you fishers of men.' Nag-obey si Izzy do'n."
Pagbubulgar pa niya, noong tanungin daw si Izzy ng founder ng grupo, sinabi niyang ang pangalan ng grupo, pananamit, at sayaw nila ang naging dahilan kung bakit siya aalis.
Iba't ibang reaksyon naman ang nakuha ng mag-asawa dahil sa pagsasalitang ito ni Alvin.
Tila hindi naman daw naiwasan ng miyembro na si Sunshine Garcia ang pasimpleng sumagot sa statement na ito. Sa isang post nitong February 15, pinasalamatan ni Sunshine ang asawa dahil bukod sa date night, hinahayaan din daw siyang mag GROW nito. Pinasalamatan niya rin si Alex sa SUPPORT. Oh, hindi kami nag-capslock niyan, ah! Si Sunshine mismo! HAHAHA!
Wala namang sagot pa si Izzy sa mga issue na ito, pero kapansin-pansin daw ang napapadalas na pagpapa-interview ng asawa niya, say ng mga pinalaki ng SexBomb.
Izzy Trazona, nag-resign sa SexBomb dahil sa asawang si Alvin Aragon?
Parang marami ang napakanta ng "Uy, lumaban si papa, matapang" sa naging sagot ni Alvin Aragon. Matapos kasi ang ilang taon, tinuldukan na niya ang chismis na siya raw ang dahilan kung bakit nag-resign si Izzy Trazona sa SexBomb.
Sa isang interview, sinabi niyang matagal nang wala si Izzy sa grupo at hindi pa raw sila mag-asawa noon. Dagdag pa niya, "Sino ang nagpa-resign kay Izzy sa SexBomb? Ang Panginoon. No'ng naging Christian si Izzy, pina-resign ng Lord."
