Copyright ©2026 Yes FM
Jake Cuenca at Chie Filomeno, hiwalay na nga ba dahil sa third party?
Jake Cuenca at Chie Filomeno, hiwalay na nga ba dahil sa third party?
September 26, 2025

Ang titigas talaga ng ulo niyo! Sinabi na ngang walang maghihiwalay para hindi matabunan 'yung issue ng bansa, eh! Huy! EME! Galing na naman kay Xian Gaza ang chikang break na raw sina Jake Cuenca at Chie Filomeno.

Sa post niya noong September 22, chinika ng Pambansang Marites na iniwan daw ni Chie ang aktor para sa milyonaryong negosyante ng Cebu na si Matt Lhuiller. Sabi pa nga, nakita raw ang driver ni Jake sa parking ng isang condominium building na may dala-dalang maraming maleta. Pinalayas, naglayas, o may pinalayas? Magbasa pa kayo. May chika pa kami, YesPren!

Ang chismis pa, nagpunta raw sa Dumaguete ang dancer "para sa show." Pero pagkatapos ng show na ito, hindi na raw nakabalik si Chie sa condo kung saan sila nag-li-live-in ni Jake. Wala namang confrontation na naganap, pero 'di tayo sure! Hahaha!

advertisement

Walang kahit anong confirmation mula sa dalawa, pero makikita na hindi na nila fino-follow ang isa't isa sa Instagram.

Ang masasabi lang namin ay, "Wow Sumasapaw?" CHAROT!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...