Hindi na lang ex-Girltrends si Chie Filomeno ngayon, isa na rin siyang ex-girlfriend ni Jake Cuenca. Sa isang interview ng aktor noong October 7, tinuldukan na niya ang balitang hiwalay na sila ng aktres.
advertisement
Matatandaang nagsimula ang chikang ito nang mapansin ng netizens na in-unfollow na nila ang isa't isa sa Instagram.
Nauna na si Chie na magsalita tungkol sa issue. Sabi niya sa kaniyang Instagram story, "I've been reading and hearing a lot these past few days and I ask that my past relationship, my present life, and the Lhuillier family be left out of this issue. They don't deserve to be dragged into something that has nothing to do with them." Wala nang kasunod na post si Chie pagkatapos nito.


