advertisement
Halu-halo ang mga comment ng tao. May mga nagsasabi ng, "Napindot lang ni Issa habang nag-i-stalk. chowr!" at "Dati pa naka-follow si James, ngayon niyo lang napansin! Pero ganyan talaga, kapag okay ang mag-ex, binabantayan pa rin HAHAHA! Kahit si Issa nga, naka-follow din kay Nadz sa IG, pero si Nadine, in-unfollow na lahat! "
May humabol pa ng, "Parang Justin Bieber kay Selena Gomez lang ah! HAHAHAHAHAHA!"
At ang pinakapasabog na comment sa lahat: "Sus, 'wag na umasa! Happy life na si Nadine and Chris! Nadine is very happy with her life now!"
Kung ano man ang dahilan, bahala na si James Reid doon! Pero wala naman talagang masama kung i-follow niya uli ang dating GF na si Nadine, dahil sabi nga nila, in good terms pa rin naman daw ang dalawa.
Kayo talaga, Yespren! Konting follow lang, big deal na agad! HAHAHA! Palibhasa naka-relate ka lang kay James Reid—'yung finollow ang ex, pero ikaw, mang-stalk tapos magre-relapse! HAHAHA CHARIZ!
James Reid, fino-follow na uli si Nadine Lustre sa isang app!
GANORN?! Akala namin kapag mag-ex na, auto-block na 'yan siya! HAHA! Pwede pala mag-follow uli sa ex?! CHARIZ!
Usap-usapan ngayon ang balita na ina-follow daw uli ng aktor na si James Reid si Nadine Lustre sa isang app. Siyempre, mabilis pa sa alas-kuwatro ang mga marites! Nalaman nila ito agad at binibigyan agad ng ibig sabihin ang simpleng pag-follow na 'to. Ang malaking tanong ng netizens: Bakit daw finollow uli ni James Reid si Nadine?
