Kung akala niyo ay tuluyan nang natabunan ang tambalang MarNella, nagkakamali kayo, mga YesPren! Dahil sa isang sweet na picture lang, nabuhay muli ang dugo ng fans nina Janella Salvador at Marlo Mortel.

Sa isang reel na pinost noong September 30 ng Lowe-key Productions, makikita ang dalawa na magkayakap habang may nakalagay na "MarNella reunited on the set of their upcoming TV series!" Ang sweet photo na ito, agad dinumog ng fans sa comment section. Marami na ang excited sa pagsasama na ito.
Isang dekada na rin daw kasi simula nang makita silang magkasama sa teleserye. 'Oh My G!' pa 'yan, mga YesPren! Kaya talaga namang gigil na gigil na ang mga alagad nilang makita sila together.
Wala pang opsiyal na detalye ang TV series, pero sapat na raw ang BTS na iyon para makampante ang fans na magkakaayuda sila sa dalawa.