advertisement
Naiuwi ng Filipino-American singer, hindi lang ang titulo, pati na rin ang $1 million prize. "I'm sorry, I'm really emotional. This is amazing. Thank you so much America," sabi ng 'di makapaniwalang singer.
Nakasama niya sa final 3 ang singer na si Jordan Blue at improv rapper na si Chris Turner.
Tuluyan niyang nakuha ang puso ng masa matapos niyang kantahin ang 'Die With A Smile' nina Bruno Mars at Lady Gaga.
Sandali ring nag-live sa kaniyang Facebook ang champion para magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kaniya.

Jessica Sanchez, itinanghal na grand champion sa America's Got Talent Season 20
Tila isang rainbow sa gitna ng ulan para sa bansa ang hatid na balita sa'tin ni Jessica Sanchez, mga YesPren! Noong Sepetember 29, nakuha niya ang titulong grand champion sa America's Got Talent Season 20.
Dalawang dekada matapos ang kaniyang unang pagtatangkang sungkitin ang pangarap, sa wakas napasakamay na niya. Pinabilib lang naman niya ang mga judge na sina Simon Cowell, Mel B, Howie Mandel, at Sofia Vergara na nagbigay sa kaniya ng golden buzz.
