advertisement
Habang naka-focus kasi ang boksingero sa loob ng ring, may isang kumikinang na audience pansin na pansin.
Naglaan kasi ng oras ang aktres na si Jillian Ward para manood ng laban ni Eman. Mismong ang talent management pa ng aktres ang mismong nag-post ng mga picture ni Jillian habang nanonood. Supportive 'yarn? CHAROT!
Say pa ng management, isa raw itong "sweet surprise for our champ!" 'Pag 'yan na-fall, ha?! KIMI!!! Nagbunga naman ang suporta ni Jillian dahil nanalo si Eman matapos mapatumba ang kalaban.
Ang hindi mapigilan ngayon ng mga Marites ay ang magtanong kung may mutual understanding na nga ba sa pagitan ng dalawa. Kapansin-pansin din ang pagdagdag ni Eman ng "JW" sa bio ng kaniyang TikTok. Gano'n?! Sana all! EME!

