Copyright ©2026 Yes FM
Jimuel Pacquiao at partner nito, magkakaroon na ng baby girl sa November
Jimuel Pacquiao at partner nito, magkakaroon na ng baby girl sa November
October 16, 2025

Bago ang lahat, gusto ko lang ipaalala na nasa tamang edad na sila at talagang tumatanda na kayo! Hahaha!

Noong October 14, binasag ng asawa ni Manny Pacquiao na si Jinkee ang social media sa biglaang anunsyo na magkakaroon na sila ng apo kay Jimuel Pacquiao.

advertisement

Chika niya, "Grabe kasadya! (Gender reveal) 😆 Bisan ako wala ko ka guess kay lalaki ang akong gitagna 😂 Nagpila sila boy or girl unya naay 100 dollars mao lipay kaayo sila Janet ilang grupo ang nidaug kay girl sila. 😂 [Grabe, ang saya! (Gender reveal) Kahit hindi ako naka-guess dahil lalaki ang hula ko. Pumila sila tapos (nanghula if) boy or girl tapos may 100 dollars kaya ang saya ng grupo nila Janet (Jamora, her twin sister) dahil nanalo sila since hula nila ay girl.]"

Sinabi rin ng asawa ng boxing champ na sa November ipapanganak ang kanilang unang apo. "Proud Mammita" na nga raw siya ngayon pa lang. Hays! Sana sa susunod naming buhay, matawag ka na rin naming Mammita! Hahaha! Charot!

Agad namang dinumog ng pagbati ang post ni Jinkee.

Sa isa pang post, nagbigay naman siya ng mensahe sa anak para sa pagpasok nito sa bagong chapter ng kaniyang buhay—ang pagiging ama.

"The day I became your mother, my world changed instantly @pacquiao.emmanuel. It marked the start of a new version of myself, one that is tender, tired, and transformed," she wrote. "Time flies so fast na ikaw ang karga karga ko noon sa susunod na buwan ang apo ko naman ang kakargahin ko" sabi niya. Sobrang bilis daw ng panahon, pero grateful daw si Jinkee kay God na bibigyan sila nito ng bagong blessing.

Noong July, kumalat na rin ang litrato ng Pacquiao family at pamilya ng rumored jowa ni Jimuel sa Los Angeles, California. Pamamanhikan na nga ba ito? Sana all!

Wala pa namang say si Manny sa social media, pero malamang excited na rin siya sa bagong belt na kaniyang isusuot, ang maging Lolo.

Sa ngayon, naka-base si Jimuel sa US para i-pursue ang kaniyang boxing career.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...