advertisement
Ayon kay John, pinag-uusapan na ng team ang kanilang project pero wala pa raw final details kung anong genre o format. Ang sigurado lang, gusto nilang ibalik ang John-Heart magic na minahal ng fans noon.
At kung feeling n’yo matagal nang tapos ang kilig, wait lang, YesPren! Nang muling magkasama sina John at Heart sa Heart World, aminado si John na medyo weird daw sa una.
Mahigit dalawang dekada na kasi ang lumipas. Nagkaroon na sila ng kanya-kanyang buhay at career. Pero ayon kay John, parang hindi nagbago si Heart, siya pa rin daw ang Love Marie na nakilala niya noong late ’90s at early 2000s.
Hindi rin nakalimutan ni John kung gaano kalaki ang naging parte ng John-Heart sa career niya. Para sa kanya, isa ito sa mga peak moments ng kanyang showbiz journey.
At ang pinaka-viral? Fans ang talagang dahilan kung bakit natuloy ang reunion! Marami raw nagsabi na parang bumalik sila sa childhood nila at sa panahong wala pang problema sa buhay. Kaya naman na-flatter at na-amaze si John sa renewed love ng fans sa kanilang tambalan. Kaya tanong namin sa mga John-Heart babies: READY NA BA KAYONG BALIKAN ANG KILIG NG 2000s? Kasi mukhang may second chapter na ang love team na akala natin hanggang throwback na lang!

