Copyright ©2026 Yes FM
Julia Barretto, pinagpalit na si Gerald Anderson kay Lucas Lorenzo?!
Julia Barretto, pinagpalit na si Gerald Anderson kay Lucas Lorenzo?!
September 19, 2025

No to actors, yes to businessman na nga ba ngayon ang puso ni Julia Barretto? Matapos kasi ang ilang ulit na chikang hiwalay na sila ni Gerald Anderson, opisyal nang inanusyo ng Star Magic na nagdesisyon na silang tapusin ang kanilang anim na taong relasyon. Ang tanong ngayon, may bago na bang nagpapatibok ng puso nila?

advertisement

Si Lucas daw ay kapatid ng mga mister nina Erich Gonzales (Mateo Lorenzo) at Claudia Barretto (Basti Lorenzo). Ang sabi pa, pumasok daw sa eksena ang CEO matapos magkaroon ng third party sa pagitan ng JuRald—ang volleyball player na si Vanie Gandler.

Ayon naman sa isang source, hindi raw truelalu ang kumakalat na chismis. Wala raw bagong karelasyon ang dalawang artista. Ang tanging koneksyon daw ni Julia kay Lucas ay ang kaniyang sisterakas at "good friends" lang daw sina Gerald at Vanie.

Ang tanging #CONFIRMED lang ngayon ay tuluyan ng nawakasan ang JuRald. Kung bakit? Aba! Malay namin! Hahaha! Abangan natin ang mga susunod na chika tungkol sa balitang ito tutal 'yan naman ang mga gusto niyo!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...