Copyright ©2026 Yes FM
Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, engaged na!
Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, engaged na!
November 24, 2026

Hindi lang basta-bastang gift ang natanggap ni Julie Anne sa kanilang 5th anniversary, kun'di “forever with you” ang atake!

Sa isang post ni Rayver nitong November 23, ibinahagi niya ang video ng kaniyang proposal kay Julie Anne na naganap sa mismong celebration ng kanilang fifth anniversary. Hindi flowers o dinner date ang inihanda, kundi lifetime commitment! OH, ’DI BA?! SANA ALL NA LANG TALAGA! Kasi ’yung iba diyan, ibang surprise ang natatanggap sa anniversary, nahuhuling may third party! HAHAHA CHAR!

Tatlong araw bago ang proposal, nag-record muna si Rayver ng message kung saan inamin niyang ilang araw na siyang kinakabahan at excited sa espesyal na araw na ito. Gusto rin daw niyang makita ang reaksyon ni Julie Anne, pati na rin ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

At dahil talagang pinaghandaan ito ni Rayver, inimbitahan niya ang kanilang mga pamilya at close friends para ma-witness ang bonggang proposal! Hindi mo kaya, malaki ang budget! HAHAHA

“Ms. Julie Anne San Jose, will you marry me?” ang nagpakilig na tanong ni Rayver sa lahat!

Siyempre, YES ang sagot ni Julie Anne! May pa-“Oh my God, totoo ba ’to?” pa ang soon-to-be bride habang yakap-yakap ang kaniyang fiancé. ANG HABA NG HAIR MO, JULIE ANNE!

Marami namang fans ang natuwa at nag-congratulate sa engaged couple.

Ikaw, YesPren, anong anniversary surprise ang ibibigay mo sa jowa mo? Engagement, pregnancy test, or printed screenshots ng convo?! HAHAHA CHAR! Congratulations, Julie Anne at Rayver Cruz!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...