Copyright ©2026 Yes FM
Julie Anne San Jose, nilaglag ang “toxic fans” na pasimuno ng issue nila nina Sarah Geronimo at Morissette?!
Julie Anne San Jose, nilaglag ang “toxic fans” na pasimuno ng issue nila nina Sarah Geronimo at Morissette?!
January 9, 2026

“That's the number one toxic trait of Filipinos–anong point ng comparison?” ‘Yan ang rebat ni Julie Anne San Jose sa isyung naungkat sa panibagong episode ng HANGOVER! Isa kasi sa mga maiingay na issue noon ang “rivalry” sa pagitan niya at nina Sarah Geronimo at Morissette Amon, kaya naman ‘di natin napigilang tanungin kung ano nga bang tunay na ganap nilang tatlo.

advertisement

Chika ni Julie Anne tungkol sa “away” nilang tatlo, “I have so much respect [for] Sarah and Mori, and [for] other artists as well. Siyempre, pinapangarap ko rin na one day makapag-collab [kami] tapos biglang malalaman mo na kino-compare ka. Parang, bakit?”

Hindi rin siya nakatiis na hindi pagsabihan ang mga netizen na mahilig gumawa ng gulo. Sabi niya, “That's the number one toxic trait of Filipinos–anong point ng comparison? I hate the fact that we always compare.’Yung maghahanap talaga kayo ng away.”

Ayan! 2026 na, pero puro pa rin warlahan ang inaatupag niyo. Hahaha! Yes to chika, no to warla! At kung bitin ka pa sa chismis na nilapag namin dito, eh, pumunta ka na sa YouTube channel ng HANGOVER PH para sa full video!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...