Copyright ©2026 Yes FM
Katas ng pitik at soft moves ni Ian Mark Kamangkang, napa-renovate ang bahay ng magulang
Katas ng pitik at soft moves ni Ian Mark Kamangkang, napa-renovate ang bahay ng magulang
July 30, 2026

Mukhang sulit na sulit ang lahat ng "pitik" at "soft moves" ni Ian Mark Kamangkang, o mas kilala bilang Pitik Queen!

Isa sa pinakamalaking pangarap niya ang tuluyan nang natupad matapos niyang ma-renovate ang bahay ng kanyang mga magulang.

advertisement

Sa Facebook, ibinahagi ni Ian Mark ang ilang larawan ng ipinapagawa nilang bahay. Sabi niya ay malaking blessing para sa kanya na makita ang saya ng kanyang mga magulang habang unti-unting nababago ang kanilang bahay.

Ibinahagi rin niya na noong nagsimula ang renovation, hindi napigilan ng kanyang magulang ang maging emosyonal. Ngayon naman, mas kampante na sila lalo na kapag malakas ang ulan dahil mas maayos at mas ligtas na ang kanilang bahay.

Nagpasalamat din ang content creator sa Diyos at sa lahat ng followers na patuloy na sumusuporta sa kanya. Aniya, malaking parte ang mga ito kung bakit unti-unti niyang naaabot ang mga pangarap niya.

Hindi rin nagpahuli ang mga netizens sa pag-congratulate kay Pitik Queen. Bukod sa pagbati, may mga nag-iwan pa ng mga nakakatawang komento gamit ang kanyang sikat na "pitik" at "soft moves," na lalong nagpatawa sa comment section.

Nakaka-good vibes talaga ang ganitong success story! Congrats kay Pitik Queen! Ikaw, ano ang dream mong maibigay sa iyong mga magulang kapag dumating na ang pagkakataon?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...