Copyright ©2026 Yes FM
Kathryn Bernardo at James Reid, magsasama sa isang teleserye
Kathryn Bernardo at James Reid, magsasama sa isang teleserye
September 1, 2025

Ito na kaya ang bagong tambalan na papatok sa takilya? Malamang 'yan, YesPren! Matapos kasi ang halos ilang taon nang pangungulit ng fans, magsasama na sa isang teleserye sina Kathryn Bernardo at James Reid.

"I did not expect this. Baka si James, hindi niya rin in-expect." Ito ang nasabi ng Box Office Queen nang tanungin siya sa isang interview. Sobrang excited niya raw dahil mula sa kani-kaniyang loveteams, naging posible ang kanilang pagsasama.

"This year ang taping, next year ipapalabas." 'Yan daw ang chikang nasagap ni Ogie Diaz tungkol sa inaabangang proyekto.

advertisement

Talaga namang "SHE IS BACK AND READY" na raw sabi ni Kathryn.

Mula KathNiel at JaDine, bibigyang buhay na ng dalawa ang tambalang tinatawag ngayon ng fans bilang 'KathReid' at 'KatJames.'

Excited na ba kayo, YesPren? Kasi, REIDy na kami, Kath!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...