Copyright ©2026 Yes FM
Kathyrn Bernardo at Mark Alcala, spotted sa isang mall
Kathyrn Bernardo at Mark Alcala, spotted sa isang mall
February 3, 2026

Ang Box Office Queen, mukhang hindi giginawin sa Valentine's Day! Hahaha! Charot! Kahit kasi wala pa ring kumpirmasyon kung may bagong nagpapatibok na ba ng kaniyang puso, spotted ulit sina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala habang nasa isang mall.

advertisement

Nakuhaan ng picture at video ang dalawa na tila ba nasa isang "shopping date" sa Power Plant Mall sa Rockwell Makati noong Saturday.

Nakasuot ng face mask, long-sleeved top, at jersey short si Kath. Like, hello?! Kahit anong tago, litaw pa rin ang ganda kaya imposibleng 'di makikilala! May paghawak pa nga si Kath sa kamay ng binata habang nagtatawanan. Layag na layag na nga ba talaga?!

Sa isa pang video sa TikTok, makikita ang dalawa na pababa sa escalator habang may kasamang chaperone.

@user1191657465699 Goodnight, guys! 😘 #kathrynbernardo #fyp #kathryn #fypシ ♬ original sound - 🇵🇭official_jay🇵🇭 - official_jay

Matagal nang na-li-link ang dalawa, pero wala pa rin sa kanila ang umaamin.

Ang latest chika ay noon pang April 2025 kung saan sa isang interview ay sinabi ng Mama ni Kath na single pa rin siya, pero maraming manliligaw.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...