Copyright ©2026 Yes FM
Kathyrn Bernardo, spotted kasama ang isang mayor papuntang Australia
Kathyrn Bernardo, spotted kasama ang isang mayor papuntang Australia
July 9, 2025

Talk of the town na naman ang aktres na si Kathryn Bernardo ngayon, YesPren! Ayon sa chika, spotted diumano ito sa airport kasama ang Lucena City Mayor na si Mark Alcala.

Ayon sa chismis, byaheng Australia raw ang Box Office Queen para magpahinga pagkatapos ng kaniyang show na Pilipinas Got Talent. Magkahiwalay raw na dumating daw ang dalawa, pero ang lala naman ng coincidence na pareho silang OTW sa iisang bansa 'di ba? Charot! Hahaha!

advertisement

Sa mga kumakalat ding picture, parehas naka-all black ang dalawa at naka-face mask. Hirit pa ni uploader, mukhang ipapakilala na raw ni Kath si Mayor sa kaniyang BFF na si Arisse de Santos.

Tikom naman ang bibig ng dalawa hanggang ngayon. Baka in-e-enjoy na ang Australia, magkasama man o hindi! KIMI!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...