Copyright ©2026 Yes FM
Kim Atienza, kinuwento kung paano nalaman ang pagpanaw ng anak na si Emman Atienza
Kim Atienza, kinuwento kung paano nalaman ang pagpanaw ng anak na si Emman Atienza
November 4, 2025

Trigger Warning: Ang balitang ito ay may sensitibong nilalaman tungkol sa suicide. Mag-ingat sa pagbabasa.

"'Yung mamatayan ka ng anak, masakit. Hindi mo alam kung sa'n galing 'yung sakit. Basta masakit." Ito ang mga linyang binitawan ni Kim Atienza sa kaniyang emosyonal na interview sa programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho' na inilabas noong November 2. Dito, inalala ni Kuya Kim ang kaniyang namayapang anak na si Emmanuel Atienza. Ikinuwento niya rin ang araw na malaman niyang nag-suicide ang anak.

advertisement

PTSD o Post-Traumatic Stress Disorder daw ang pinagdaanan ng Sparkle artist ayon sa kaniyang ama. Dahil ito sa hindi magandang karanasan ni Emman sa kaniyang yaya noong bata pa siya. Sa kabila nito, lumaking masiyahin, napakabait, at masiyahin daw si Emman. Ganito gustong alalahanin ni Kuya Kim ang dalaga.

“Two days before it happened, we already sensed something was wrong,” sabi ni Kuya Kim. Nag-send pa raw ang anak ng message at sinabing, “Mom, I’m in an emergency right now, but worry not. There’s no self-harm. I just need to go to a therapy center.” Pagkatapos nito, sinubukan daw nilang tawagan si Emman, pero hindi na ito sumasagot.

Nasa ibang bansa raw ang asawa ni Kuya Kim na si Fely noong mga panahong ito. “The next morning, Fely sent me a message saying, ‘I have terrible, terrible news.' Sabi ko, 'Naku, ito na.'" Nanlalambot daw siyang tinawagan ang asawa at doon na nga nito sinabing wala na si Emman.

Kahit ganito raw ang nangyari, hindi pa rin nawawala ang pananampalata ni Kuya Kim at ng kaniyang pamilya. Naniniwala siyang may purpose kung bakit ito nangyayari at masaya siyang marami ang na-inspire ng anak.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...