Copyright ©2026 Yes FM
Kim Chiu, kinasuhan ng qualified theft ang kapatid na si Lakambini Chiu
Kim Chiu, kinasuhan ng qualified theft ang kapatid na si Lakambini Chiu
December 4, 2025

Kapapasok pa lang ng December ay ginulat na agad ni Kim Chiu ang kaniyang fans. Ang akala nating super close at magandang relasyon nila ng kapatid na si Lakambini Chiu, ngayon ay pinagigitnaan ng isang pormal na kaso.

Noong December 2, nagtungo ang It's Showtime host sa Office of the Assistant City Prosecutor sa Quezon City kasama ang mga abogadong sina Xylene Dolor at Archerna Gregana. Naghain nga siya ng criminal complaint laban sa sariling kapatid.

advertisement

“Today, nag-file si Kim ng criminal case against Lakambini Chiu. We filed a criminal complaint for qualified theft. That’s all we can share for now,” sabi ng abogado.

Say nila, hindi raw nila puwede pang sabihin kung ano ang business venture na ito, pero sure silang knows na knows ng fans ni Kim kung ano ito. Base sa mga nasasagap namin chika online, YesPren, bag business daw ito ng aktres.

Chika rin ni Atty., nakailang attempts daw si Lakam at ang lawyers nito para ayusin ang problema, pero hindi na raw ito kinaya.

Naglabas naman ng official statement si Kim Chiu at sinabing, “After careful consideration and months of internal review, I have made the difficult decision to file a legal case for qualified theft against my sister, Lakambini Chiu, in relation to serious financial discrepancies discovered within my business operations. This decision did not come easily. It is one of the most painful steps I have ever taken in my life."

May mga kumakalat naman na chismis na natalo raw sa isang casino ang kapatid ni Kim. Nagkakahalaga raw ito ng 300 million, pero wala pang nagpapatunay sa chikang ito.

Humihingi naman ng respeto at pag-unawa si Kim Chiu dahil sa mga kaganapang ito.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...