advertisement
Nagsimula ang isyu matapos ikuwento ni Ogie sa kanyang Showbiz Updates vlog ang umano'y naging encounter nila sa hallway ng ABS-CBN. Ayon sa kanya, imbes na bumati, sinabi raw ni Kim ang, "Buti pinapasok kayo." Nilinaw naman ni Ogie na posible ring nabigla lang ang aktres at baka hindi nito sinadyang masabi iyon.
Dahil sa repost ni Kim, mas lalong uminit ang usapan online. May mga kampi kay Ogie, pero marami rin ang nagsasabing "Respect Begets Respect" at dapat parehong may respeto ang magkabilang panig.
Sa ngayon, wala pang sagot si Kim tungkol sa isyu. Pero sa isang simpleng repost lang, muling uminit ang usapan sa social media. May pahiwatig nga ba siya, o nagkataon lang?
KIM CHIU, may pahiwatig nga ba sa repost niya tungkol sa "Respect Begets Respect" issue kay Ogie Diaz?
May pa-soft launch nga ba ng saloobin si Kim Chiu? Ito ang tanong ng maraming netizens matapos niyang i-repost sa X (dating Twitter) ang post ng isang fan na may mensaheng, "Respect Begets Respect."
Sa naturang post, sinabi ng fan na huwag daw umasa si Ogie Diaz na magiging warm si Kim kung ilang beses na rin umano niya itong naging topic ng mga intriga. Dagdag pa rito, kung gusto raw ng respeto, dapat marunong ding magbigay nito. Wala mang caption o sariling komento si Kim, marami ang naniniwalang may mensahe ang kanyang simpleng repost.
