Copyright ©2026 Yes FM
Kim Chiu, sinagot ang bashers matapos ang mispronunciation ng ‘IV of Spades’
Kim Chiu, sinagot ang bashers matapos ang mispronunciation ng ‘IV of Spades’
September 15, 2025

Tila naglabasan na naman ang mga perfect sa social media! Hahaha! Ang kanilang puntirya? Ang It's Showtime host na si Kim Chiu. Sa September 10 episode kasi ng noontime show, nagkamali ng pagpapakilala ang aktres sa IV of Spades.

Imbes na IV na ang pagkakabasa ay 'four,' sinabi ni Kim na 'I.V. of Spades' daw ang pangalan ng banda. Agad namang nag-viral sa X ang parteng ito ng show. Kani-kaniyang dutdot ang bashers ng artista at ipinamukha sa kaniya ang kaniyang pagkakamali. Sabi ng iba, trabaho niya raw bilang host na alamin ang tamang pag-pronounce ng pangalan ng kanilang guests. "Please do your assignment next time," Ito ang boka ng isa. Over naman ang batas sa classroom. Charot!

Hindi naman papakabog ang fans ni Kim Chiu. Talaga namang palong-palo rin nilang ipinagtanggol ang idol. Depensa ng isa, "Honest mistake [nga,] [’di ba?] [At least,] she took accountability and apologized." Diverting tactics naman daw ang pakikisawsaw ng ilan sa issue na 'to at dapat mag-focus sa totoong nangyayari sa bansa, sabi ng kaniyang fan.

advertisement

Matapang namang sinagot ng Chinita Princess ang bashing na ito. "Let me just clear this out. Bilang mahilig ata [’tong] acct na to sa “clout”. Honest mistake, [’di] ko talaga sila kilala. Kung naitama ko [’yung] pangalan [nila,] [may] magbabago ba? Mababalik ba [sa’tin] [’yung] ninakaw na TAX natin? I think there is much more problem in PH now than this." Dagdag niya, "Mas kailangan ng bansa natn ang boses mo doon,sa tunay na laban,sa tunay na problema, sa tunay na kalaban. Pare pareho tayong lumaban sa buhay [nang patas. Be considerate. Be kind." Oh, lagot! EME!

Iba't ibang sagot pa rin ang nakukuha ng mismong post ni Kim, pero tila "I rest my case" na ang atake niya.

Kanino kayo nakapanig, YesPren? Kami kasi, focused pa rin do'n sa mga dinadaya ang bansa! Char not char! Hahaha!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...