Copyright ©2026 Yes FM
KOLab 2025: May malaking kaganapan ang Yes FM DJs at Blogapalooza Content Creators ngayong October 11!
KOLab 2025: May malaking kaganapan ang Yes FM DJs at Blogapalooza Content Creators ngayong October 11!
October 3, 2025

YesPren, ready na ba kayo? Mas magiging makulay, maingay, at masaya ang 2025 dahil sa MBC KOLab Experience!

Nagsimula na ito noong July at tuloy-tuloy hanggang September, nakipagkulitan ang mga piling Blogapalooza influencer sa iba’t ibang specialized studios ng MBC Media Group tulad ng Yes! FM, Love Radio, Easy Rock, DZRH, Radyo Natin, DZRH Drama, DZRH TV, at MBC Digital. Dito, personal silang sinalubong ng mga DJ para ipakilala ang creative culture at rich history ng MBC, pati na rin kung paano nabubuo ang mga programang paborito ng libo-libong listeners at viewers sa buong bansa.

advertisement

Bongga rin ang mga binigay na papremyo at palaro sa ating mga bisita! Lumabas ang kanilang mga pagka-competitive sa impromptu podcasting, trivia games, radio drama acting, at marami pang iba! Naging highlight pa nga nila ang pagpunta sa Star City na ginawan din nila ng napakakulit na mga content! Hindi naman halatang naging favorite nila ang Snow World, ano? Hahaha!

Pero teka, hindi lang ’yan…

Sa dulo ng MBC KOLab Experience, isang GRAND fan event sa Ayala Malls Market! Market! Activity Area, Taguig! on October 11, 2025! 80+ content creators ang magsasama-sama para sa isang ultimate celebration! Asahan niyo ang kulitan, interactive booths, games at bonggang surprises na siguradong hindi niyo malilimutan! May chance pa kayong makagawa ng iba't ibang bidyo at content kasama ang mga paborito niyong influencers kasama na ang Yes FM DJs!

At ang tanong ng lahat, "Magkano ang entrance fee?" Ang kasagutan ay... LIBRE lang! Kaya gow na kayo, mga YesPren!

At s’yempre, hindi magiging posible ito kung wala ang suporta ng aming partners: Dunkin’, Coca-Cola, BingoPlus, ArenaPlus, GameZone, Ayala Malls Market! Market!, Tigas Tito Clothing, Lukasbuttersteaks, KYCO, Four Thirteen Blend, Sugar Crest, The Wedding Library’s Bridal Fair, at Digital Mirror Photobooth!

Kaya kita-kits, mga YesPren, sa October 11 'yan, ah!

’Wag palampasin ang pinakamalaking fan at content creator meet ng taon—dahil dito, siguradong lahat ay bida!

On-air, online, on ground. KOLab is a playground for all!

#MBCKOLabExperience
#LetsKOLab
#KOLab2025
#KOLabPlaygroundForAll

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...