Copyright ©2026 Yes FM
KOLab Davao 2026: Radio DJs at Influencers, magsasama-sama sa Davao!
KOLab Davao 2026: Radio DJs at Influencers, magsasama-sama sa Davao!
August 4, 2026

Sinimulan ang NEW ERA ng COLLABORATION sa Manila, kung saan nagkasama-sama ang radio DJs at content creators ng Love Radio, Yes FM, at Easy Rock kasama ang Blogapalooza influencers para sa KOLab Davao 2026!

Ngayong 2026 naman, tuloy-tuloy pa rin ang trending ang makabagong collaboration na 'to dahil gaganapin naman ito ngayon sa Mindanao! Magaganap ang KOLab Davao ngayong August 16 sa Parking Area ng Caritas Bldg., Pelayo corner Rizal St., Davao City.

advertisement

Inorganisa ang event na 'to ng MBC Talents kasama ang Blogapalooza, at inihahandog ng Calla at PlayTime!

Panibagong chance muli ito ng fans para maka-bonding at gumawa ng content kasama ang paborito niyong Love Radio Davao DJs at local influencers!Siyempre, para mas kabog at kumpleto ang experience, p’wede ring sumali sa iba’t ibang palaro at may opportunity pa para makakuha ng exclusive merch ang mga pupunta.

LIBRENG-LIBRE pumunta sa KOLab Davao! Isa ito sa pinakakaabang-abang na influencer gathering ngayong taon sa Crown Jewel of Mindanao na magsasama-sama ang napakaraming creators, brands, at fans! Kita-kits, mga YesPren!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...