Sa gitna ng matagal na pagkawala ni Kris dahil sa kaniyang health condition, isang simpleng video ang naging dahilan para umingay ulit ang pangalan niya sa social media. Iba rin naman talaga impact at sayang bitbit niya, 'no?
advertisement
Kasunod nito, in-upload din ang pictures ng muling pagkikita nina Kris at Dingdong Dantes. Dahil dito, naluto tuloy sa isipan ng mga YesPren na ang pagkikitang ito ay isang pagpaplano ng comeback movie nila.
Kung sakali, siguradong madaming fans ang mag-aabang sa kanilang pagbabalik-tambalan.
Excited at hopeful naman ang netizens dahil bukod sa reunion, nagbigay rin ito ng inspirasyon sa marami na patuloy na sumusubaybay sa journey ni Kris. Sa ngayon, sapat na muna ang makita siyang masaya, present, at unti-unting bumabalik ang 'Queen of All Media.'
