Copyright ©2026 Yes FM
Kris Aquino, ipinagdasal na sana maganda ang girl na mapapangasawa ni Bimby!
Kris Aquino, ipinagdasal na sana maganda ang girl na mapapangasawa ni Bimby!
October 29, 2026

Ikaw ba naman ang magiging mother-in-law mo ay Queen of All Media Kris Aquino?! Siyempre, dapat may bitaw ka! Hindi puwedeng bibitawan ka na lang! HAHAHA! Eme!

Sa interview ni Kris Aquino kay Boy Abunda, napag-usapan ang tungkol sa future wife ng kaniyang bunso na si Bimby Aquino-Yap. Sabi ni Mother Kris, jackpot raw ang babaeng makakatuluyan ng kaniyang anak dahil maalaga, mapagmahal, at siguradong magiging 100% faithful ito. GANON?! Oh, teka lang po, pumila po tayo nang maayos! HAHAHA!

advertisement

Pero teka, may personal prayer request si Kris! “Ako talaga, ipinagdarasal ko talaga, sana maganda ’yung girl. I’m sorry.” Aminado rin siyang medyo mababaw pakinggan ang wish na ito, pero may dahilan daw siya. Paliwanag niya kay Tito Boy Abunda, si Bimby ang magpapatuloy ng Cojuangco-Aquino last name. Ayan ang diretsahang bitaw ni Mother Kris! Bago pumila, siguraduhin muna palang check ang face card! CHAR!

Pero siyempre, hindi lang naman mukha ang tinitingnan niya. Naniniwala siyang hindi magmamahal ang anak niya ng babaeng pangit ang ugali. May pahabol pa si Mommy Kris! Baka raw kasi maganda lang kapag naka-makeup, pero paano na kapag wala na ang make-up? Baka naman pasok ka sa face card, pero sa ugali, hindi?! HAHAHA! EME!

Sa ngayon, lahat naman daw ng babaeng nakilala niya para kay Bimby ay magaganda at matatalino.

Kaya naman, sa future wife ni Bimby, good luck! Uminom ka na ng glutathione at magpa-fresh nang bongga! Pero tandaan, hindi naituturok at naiinom ang magandang ugali, ha? Pakiuna muna ’yun! HAHAHA!

Pero aminin, YesPren, ibang level din talaga ang pressure kapag ang future mother-in-law mo ay si Queen of All Media! Kaya ikaw, YesPren, keri mo ba ang hamon ni Kris? O huwag na lang, maging single na lang tayong lahat?! HAHAHA!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...