advertisement
Mas lalong napansin ng marami ang espesyal na samahan nina Kris at Katrina matapos magpasalamat ang aktres sa singer at sa kanilang anak na si Katie kasunod ng kanyang pagkapanalo bilang Best Actress para sa pelikulang Mommy Dearest sa 10th World Excellence Japan Awards.
Pero teka, parang may mga clue na nga ba bago pa lumabas ang kumpirmasyon?Noong June 17, nag-post si Kris ng isang video kasama si Katrina na kuha pa noong kanilang Hong Kong trip. Mas lalong napa-"ayieee" ang mga netizen dahil sa caption nito na tila pasabog sa tamis!
Sa viral post, mukhang hindi na rin napigilan ni Kris na i-share ang nararamdaman niya para kay Katrina. Sabi niya, naging espesyal para sa kanya ang mga nakalipas na buwan at isa sa mga highlight nito ang muling pagkilala sa aktres. Dahil dito, maraming netizens ang napa-comment ng, " Ano ba yan 32 na ko pero kinilig na naman ako.. Dahil sainyo" at " co-parenting paba talaga to nangangamoy "yes I do" na? Haha" Dahil dito, maraming netizens ang nagsabing mukhang matagal nang may "soft launch" na nangyayari, hindi lang napapansin ng lahat.
Matapos ang ilang taon bilang magkaibigan at co-parents, mukhang may new chapter na namang binubuksan sina Kris at Katrina. At base sa reaksyon ng mga netizen, marami ang handang sumubaybay sa love story na ito! Ikaw, YesPren, napa-"ayieee" ka rin ba sa posibleng comeback ng dalawa?

