Copyright ©2026 Yes FM
Kyle Raphael, inaayon lang sa uso ang mga kanta?!
Kyle Raphael, inaayon lang sa uso ang mga kanta?!
February 21, 2026

Napaisip ka na ba kung bakit parang laging sakto sa damdamin ang mga kanta ni Kyle Raphael? Sa interview niya sa HANGOVER, may inamin siya tungkol sa kanyang songwriting process na baka ikagulat ng marami. Nilinaw ni Kyle ang usap-usapan kung nagbabago ba siya ng lyrics para lang sumabay sa uso o maging mainstream-friendly.

Ang sagot niya? Isang malaking hindi. Ayon kay Kyle, bagaman madalas siyang mag-rewrite ng kanyang mga lumang kanta, hindi trends ang habol niya kun'di maturity. Inamin ng singer-songwriter na minsan, kapag binabalikan niya ang mga sinulat niya noon, nararamdaman niyang masyado itong pambata. Bilang isang 27-year-old artist, gusto niya na ang bawat lirikong ilalabas niya ay swak sa kung nasaan na siya sa buhay ngayon.

advertisement

Para kay Kyle, ang pag-aayos ng kanta ay para sa sarili niyang growth bilang artist at hindi para lang mag-viral sa TikTok o kung ano mang platform. No to cloutchasing si Kyle Raphael! 'Di katulad ng bashers diyan!

Panoorin ang buong HANGOVER interview niya rito:

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...