Copyright ©2026 Yes FM
Kylie Padilla, aalis ng Pilipinas dahil kay Robin Padilla?
Kylie Padilla, aalis ng Pilipinas dahil kay Robin Padilla?
February 26, 2026

Parang may mga napa-“Teka lang! Legit ba ‘to?” nang hingian si Kylie Padilla ng reaksyon sa posibilidad ng pagtakbo ni Sen. sa darating na national election.


Sa isang interview, bumanat ang aktres ng, “Aalis na ‘ko ng Pilipinas.” Sabay tawa pa. Medyo half-meant, half-charot?! EME LANG! Dagdag pa niya, “’Yun lang po ang comment [ko.]” Nilinaw niyang buo ang tiwala niya sa judgment ng kaniyang ama.

advertisement


Dahil mabilis ang internet, mabilis din mag-overthink ang mga netizen, kaya hindi na pinatagal ni Kylie ang chika at agad na nilinaw ang statement. Say niya, huwag daw gamitin laban sa kaniyang ama ang nauna niyang pahayag. Dagdag pa niya, “I admire all the good he is doing for our country. I only made the comment out of my desire to live a calm, peaceful and quiet life.”


‘Di raw ‘yun para mang-insulto. Mahal niya ang senador at hangad lang niya ay kaligtasan at kaligayahan nito.


Mukhang chill lang talaga si Kylie sa lahat ng ito, pero siyempre, dahil puro tayo Marites, kahit simpleng “aalis na ‘ko” puwedeng maging national issue real quick.


Ramdam ka namin, Kylie! Sana all migration era! CHAROT!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...