advertisement
Naging tutok naman ang mga Marites sa magiging reaksyon ng dating asawa at nanay rin ng mga anak ni Aljur na si Kylie Padilla.
Sa isang maiksing post, sinabi ni Kylie na matagal na niyang alam ito at mas pinili nilang unahin ang kapakanan ng mga bata. Ang importante raw ay close ang kanilang mga anak at hiniling na sana ay matapos na ang drama na nakadikit sa kanilang mga pamilya.
Hinangaan naman ng lahat ang katatagan ng dalawang ina. 
Kylie Padilla, nag-react sa pag-amin ni AJ Raval tungkol sa mga anak nila ni Aljur Abrenica
Parang hindi naman na nagulat ang mga YesPren sa naging pag-amin ni AJ Raval? CHAROT! Sa programang Tonight with Boy Abunda, ibinulgar ng sexy star na mayroon na silang anak ni Aljur Abrenica.
Lima na raw ang mga chikiting niya at tatlo rito ay sa aktor. Pinag-isipan niya raw nang mabuti ang pag-amin na ito at sinabing gusto niya nang bigyan ng freedom ang mga bata.
