Usap-usapan na naman ang viral video nina Kobe Paras at Kyline Alcantara! Hindi mapigilan ng netizens ang kilig matapos kumalat sa TikTok ang isang video kung saan makikitang super sweet ang dalawa sa isa’t isa.
Sa video, maririnig ang basketball player na kumakanta ng ‘Hinahanap-hanap Kita’ habang kita naman sa mukha ng actress ang saya. At ang pinakanakakainggit, este, kilig? Hinalikan ni Kobe ang balikat ni Kyline! Sana all!
@rhiannalorain0 Omggggg so kilig🥰🥰#kylinealcantara #fyp #kobeparas ♬ original sound - Rhianneyks
Hindi lang ito ang unang beses na nakita silang sweet sa isa’t isa. Ilang linggo pa lang ang nakalipas nang kumalat din ang isang video kung saan makikita silang papunta sa kanilang sasakyan. Na-curious ang fans sa real score nila lalo na’t si Kobe ay minsang na-link sa anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak habang si Kyline naman ay na-link sa anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Mavy.
Mas lalo pang na-excite ang fans nang i-upload ang isang video noong July 27 kung saan makikitang kasama ni Kyline ang pamilya ni Kobe. Present dito sina Benjie Paras, Andre Paras, at ang girlfriend ni Andre na si Honey Escarez. Magkahawak-kamay pa ang dalawa habang papalabas ng isang establishment!
@poppie016.16 @kyline alcantara #benjieparas #kobeparas🔥 #chookstogo ♬ Smile In Your Heart - Ace Andres
Kahit na panay ang paglilinaw nilang “magkaibigan” lang sila, lalong nagiging palaisipan ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Sa GMA Gala pa nga, parehong sinabi nina Kobe at Kyline na magkaibigan lang sila. Pero sa isang panayam, inamin ni Kyline na nag-date na sila ni Kobe. Nang tanungin kung ano na ba talaga ang status nila, pabirong sagot ni Kyline, “I don’t know, actually.” Dagdag pa niya, “Single life is great! Totoo ‘yung sinasabi nila na masarap talaga maging single. Pero masarap din namang magmahal.”
Kaya naman, ano nga ba talaga? Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata, YesPren! Samantala, i-enjoy na lang muna natin ang kilig moments ng dalawa!

