Copyright ©2026 Yes FM
Lars Pacheco, ibinuking ang sariling panloloko sa partner niyang si Clyde Vivas
Lars Pacheco, ibinuking ang sariling panloloko sa partner niyang si Clyde Vivas
August 22, 2025

Over naman sa pagpapatunay na may 7-year itch ang Universe! Eme! Noong August 21 kasi ng gabi, ibinunyag ni Lars Pacheco ang kanilang paghihiwalay ng partner na si Clyde Vivas. Pitong taon din ang tinagal ng kanilang relasyon. Ang dahilan? Tatlong beses daw niyang niloko ang ex-jowa.

Hindi 'yan fake news, YesPren! Galing mismo sa internet personality ang pag-amin na ito. Sa isang Facebook video, kinuwento ni Lars ang mga pangyayari kung saan ay nangaliwa raw siya.

advertisement

Isang Taiwanese na nakilala sa Makati ang unang nakilala ni Lars. Chika niya, "It happened because, of course, I chose it to happen." Hinanap pa raw siya ng noo'y karelasyon pang si Clyde. Binigay naman daw niya sa isang nakilala "out of town" ang kaniyang number at nag-usap daw sila ng nasa isang buwan, pero walang keme na naganap.

Ang pinakahindi na raw niya kinaya ay nang sa pangatlong pagkakataon, nagawa niyang magpahatid pa kay Clyde para lang kitain ang isang Portugese. Doon na raw niya na-realize na kung may pagmamahal pa siya para kay Clyde, hindi niya gagawin ang mga ganoong bagay.

"I take full accountability," sabi ni Lars. Hindi rin daw siya proud sa mga naging kasalanan, pero na-miss lang daw ang pakiramdam na kiligin at maging importante sa isang tao.

Naglabas din ng video si Clyde at sinabing 'wag nang i-bash si Lars. "Guys, mas maganda kung suportahan na lang natin siya kung ano man desisyon niya sa buhay ngayon kasi ganoon na lang din gagawin ko."

Mahirap man daw, kailangan niya raw i-let go ang dating ang dating Miss International Queen Philippines 2023. Nagpasalamat din siya rito dahil sa mga naitulong sa kaniya ni Lars.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...