advertisement
Hindi lang talaga boses ang pang-world class kay Lea, kun'di pati na rin ang kanyang pananaw sa pamilya! Sabay-sabay tayo, SANA ALL! Nawa'y lahat ng anak ay buong-pusong tinatanggap at minamahal ng kanilang magulang.
Lea Salonga, proud na ina sa transgender son na si Nic Chien!
Para sa ating Broadway Diva at Disney Legend na si Lea Salonga, walang mas hihigit pa sa pagiging isang mapagmahal na magulang. Usap-usapan ngayon sa social media ang kanyang heartfelt post para sa kanyang anak na si Nic Chien, na nag-celebrate kamakailan ng kanyang ika-18 na kaarawan.
Sa kanyang pahayag, buong pagmamalaking ipinakilala ni Lea si Nic bilang isang transgender man. Dati nating kilala ang kanyang anak bilang Nicole, pero sa pagtapak nito sa legal age, naging malinaw ang mensahe ni Lea: unconditional love at suporta. Ayon sa kanya, hangga’t mabuting tao ang kanyang anak at wala itong sinasaktan, laging nasa likod lang siya nito para umalalay.
