advertisement
Viral online ang tila video scandals ng mga artistang sina Gil Cuerva, Nikko Natividad, Arron Villaflor, at Ron Angeles.
Habang tahimik pa rin sa issue ang aktor na si Gil Cuerva, nagsalita naman para ipagtanggol siya ang ex-girlfriend niyang si Lexi Gonzales. Say ng aktres, “Disgusting how some people are like flies who flock on other people’s dirty laundry. You guys are absolute scum of the Earth." Hindi raw sapat na dahilan ang natapos nilang relasyon para hindi niya dipensahan si Gil. Tinawag niyang "nakakadiri" ang mga nagpapakalat ng malisyosong video ng mga aktor.
Bukod kay Gil, abangers din ang mga netizen sa sasabihin ng ilan pang involved sa video. Sa ngayon, tikom pa rin ang bibig ng dating Hashtag member.
Parang sinagot naman daw ng aktor na si Ron Angeles ang issue sa pamamagitan ng isang picture sa Instagram. Sa caption, sinabi niyang, "Relax lang kayo [riyan.]" Dahil walang context, bahala na kayong mag-assume, mga YesPren! HAHAHA!
Isa namang "smear campaign" para kay Aaron Villaflor ang pagkalat ng video na ito. Chika niya pa, "Go! Ipakita niyo sa'kin!" Wala naman daw ibang na-reveal sa kaniya kung hindi ang mga dati niyang proyekto sa Vivamax.
Deadma o hindi, mali pa rin ang pagpapakalat ng private videos, mga YesPren!
