Copyright ©2026 Yes FM
LILY, ‘di na raw kakantahin ang mga sikat na kanta nila noon?!
LILY, ‘di na raw kakantahin ang mga sikat na kanta nila noon?!
January 17, 2026

“Move on already.” ‘Yan ang binitawang salita ng LILY sa latest episode ng HANGOVER PH! Paano ba naman kasi, naungkat na naman ang matagal nang issue tungkol sa bago nilang bokalista na si Joshua Bulot. ‘Di raw kasi maiwasan ng ibang fans na ikumpara si Joshua sa dating bokalista ng banda na si Kean Cipriano! Dagdag pa na ‘di na raw nila kinakanta ang old hits nila tulad ng ‘Magbalik,’ kaya naman marami ang nagtataka.

Sabi ni Joshua tungkol dito, “As much as possible, I am focused, and [LILY] is focused on LILY, not on the past. It’s just like a relationship. Move on already.” Mga ‘di kasi kayo marunong bumitaw sa past, eh! Charot!

advertisement

Sabi rin ni Alden, ang bassist ng LILY, "We're also playing new songs now. So compare if you want, pero we're not even singing the old songs anymore. So sorry for your loss, guys."

Bakit pa kasi ma-mi-miss ang dating kanta kung mayro’n namang bago, ‘di ba? Hahaha! Kaya punta na sa HANGOVER YouTube channel para mapakinggan ang exclusive performances ng LILY!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...