Copyright ©2026 Yes FM
Liza Soberano, sumagot sa mga batikos na laos na siya
 Liza Soberano, sumagot sa mga batikos na laos na siya
Liza Soberano, sumagot sa mga batikos na laos na siya
June 18, 2026

May sagot si Liza Soberano sa mga netizens na nagsasabing "laos" na siya dahil hindi na siya gaanong nakikita sa malalaking proyekto.

Sa isang podcast interview, nang-real talk ang aktres tungkol sa mga komentong natatanggap niya matapos lumipat sa Los Angeles para abutin ang kanyang Hollywood dream.

advertisement

Aminado si Liza na nasaktan siya noon nang mabasa ang mga komento na wala na raw siyang career at puro brand deals at social media collaborations na lang ang ginagawa niya.

Pero ayon sa aktres, may dahilan kung bakit ginagawa niya ang mga ito.

Sabi niya, hindi biro ang gastos sa Amerika kaya kailangan pa rin niyang kumita habang naghihintay ng susunod na malaking project.
Ibinahagi rin ni Liza na hindi pala basta-basta ang Hollywood life. Habang akala ng iba na dire-diretso na ang projects, ang totoo ay kaliwa't kanan din ang auditions at hindi rin nawawala ang rejections.

Sa katunayan, umaabot daw sa tatlo hanggang apat na auditions kada linggo ang ginagawa niya. Pero hindi porke't nag-audition ay sure na agad ang role.
Imbes na ma-down, ginagawa na lang ni Liza na motivation ang bawat rejections. Para sa kanya, parte lang talaga ito ng proseso habang unti-unti niyang inaabot ang kanyang Hollywood dream.

At mukhang sulit naman ang tiyaga niya dahil matapos ang kanyang Hollywood debut sa "Lisa Frankenstein," maririnig din siya sa paparating na animated film na "Forgotten Island."

Kaya sa mga nagsasabing laos na siya, mukhang busy lang naman si Liza sa pagbuo ng next big move niya, ’di ba, YesPren?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...