Copyright ©2026 Yes FM
Loisa Andalio at Ronnie Alonte, magkakaanak na nga ba kaya magpapakasal?
Loisa Andalio at Ronnie Alonte, magkakaanak na nga ba kaya magpapakasal?
November 24, 2025

Isang parinig na naman ang sumaksak sa pandinig ng mga YesPren, at si Loisa Andalio ang maswerteng napakinggan! Matapos ang ilang interview kung saan vocal niyang sinasabi na gusto na niyang magpakasal, ibinigay na ng longtime jowa niyang si Ronnie Alonte ang singsing!

Talaga namang nasilaw ang lahat nang pasimpleng inanunsyo ni Loisa sa kaniyang Instagram ang engagement. Wala pa mang direktang kompirmasyon noong mga panahong iyon, dinagsa naman ng pagbati ang post.

advertisement

At ano pa nga ba ang kasunod ng pagbati? Malamang, chismis! HAHAHA! Ang chika kasi ni Ogie Diaz, buntis daw ang aktres at may pumupuntang doktor sa bahay nila ni Ronnie para i-check ang mag-ina. Over sa chika, parang magkapitbahay lang sila!

Mukhang unbothered naman ang dalawa sa mga sabi-sabing ito at naka-focus muna sa kung ano man ang goal nila. HAHAHA!

Congratulations, Loisa Andalio at Ronnie Alonte!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...