Dinala ng Lola Amour ang OPM sa Australia ngayong taon! Nitong January 29, nag-premiere na sa online music streaming platforms ang kantang Maria, ang collaboration song ng Lola Amour kasama si Oliver Cronin, isang rising pop star na naka-base sa Australia.
Nagkaroon sila ng pagkakataon na maging magkatrabaho at masulat ang Maria sa isang music camp sa Malaysia. Worth it naman ang chance meeting na iyon dahil nakagawa sila ng magandang music video! Umiikot ang kwento ng kanta kay Cronin at Pio na parehong na-in love kay “Maria.” ‘Di nila alam, may itinatago pala itong sikretong malupit. Pak! Parang teleserye lang ang atake!
Naging masaya naman ang Australian pop singer sa experience niya kasama ang Lola Amour. “Working with the Lola Amour boys was an incredible experience. Their 7-piece dynamic brought something fresh and magical to ‘Maria,’ creating a perfect blend of our worlds,” sabi ni Cronin.
Example pa lang ang collaboration song na ito sa darating pang opportunities ng Lola Amour. Ngayong taon ay naka-focus sila sa paghatid ng Pinoy music sa iba’t ibang bahagi ng Southeast Asia, at kung pagbibigyan, sa buong mundo. Solid talaga!

