advertisement
Napagkakaguluhan din online ang throwback interview niya kay Korina Sanchez, kung saan nagkaroon sila ng nakakaaliw na chikahan tungkol sa edad at itsura ni Lyca. At dahil sa mga banat ng batang Lyca at reaction ni Korina, talagang mapapa-“HAHAHA, ang kulit!” ka kapag napanood mo ulit.
May isa pa siyang interview kung saan tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa kabataan, pero bigla na lang siyang kumanta ng “Ang Awit ng Kabataan.”
Kaya naman habang napapa-throwback ang mga netizen, napansin din nila kung gaano na kalayo ang narating ni Lyca ngayon.
At dahil nga viral na viral ang kanta niya sa internet, may hirit si Lyca sa mga netizens!“Remake ulit ng song gusto niyo?” pabirong sabi ni Lyca! Pero malay natin, baka next week may pasabog si Lyca! Dumaan na ba sa feed mo ang “Puede Nang Mangarap” ni Lyca?!

