Kung ang mga babae ay laging tama, bakit puro mali ang sagot ni Lyka Barista? Hahaha!
Ngayong Buwan ng Wika, hinamon namin ang mga DJ ng Yes! FM, Love Radio, at Easy Rock sa isang tagisan ng talino (at siba!)
Sa larong ito, kailangan nilang makuha ang ibig sabihin ng malalalim na salitang Filipino na ibibigay namin. ’Wag kayong mag-alala. Hindi naman gano’n kasama ang ugali namin para pag-isipin sila nang walang laman ang sikmura. Kaya naman, naghanda rin kami ng ilang Filipino street foods na dapat nilang kainin!
Ang mga YesPren nating sina Lyka Barista at Rico Panyero ang ipinadala para irepresenta ang Yes! FM. Sana lang ay hindi nila pagsisihan ang desisyong ’to. EME!
Imbes kasi na magkampihan, parang silang dalawa pa ang nagpupuksaan. Maging advantage kaya ito nina Conyo Bicolano, Kim Chino, Andre Jordan at Jasmine para manalo? Panoorin ang full video sa aming YouTube channel!

